KALAHATING oras siguro ang itinagal ng pagtambay namin doon ni Messiah. Nang mapansin niyang napapahikab na ako ay nagyaya na siyang ihahatid na ako. "Let's go, Ligaya Serenity," aniya at iginaya ako papasok sa loob ng sasakyan niya. Mabagal lamang ang pagpapatakbo ni Messiah ng sasakyan niya. Isang kamay lamang nito ang nagmamaneho habang ang isa pa ay nakahawak sa kamay ko at maya't maya ang pagpisil doon. Pagsulyap sulyap din siya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko alam sa sarili ko ngunit tila ayaw ko nang matapos ang mga oras na iyon. Napakasarap sa pakiramdam na pinapadama sa akin ni Messiah kung gaano ako ka-espesyal. Nang makaramdam sa tapat ng aming bahay ay saka lang niya binitawan ang kamay ko. Nauna pa itong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. "Paso

