HINDI ko alam kung sino ang someone na tinutukoy ni Messiah. Ayoko ko naman mag-assume na ako 'yon dahil hindi ko naman mapigilan ang puso ko at napakalakas ng kalabog nun. Pilit ko na lang na sinawalang bahala iyon kahit sa buong durasyon ng byahe ay iyon din ang laman ng isipan ko. "At sinong someone naman ang tinitingnan dito ni President Messiah?" dinig kong nagtataka rin na sambit ni Nona. Pero imbis na pag-usapan pa iyon ay pinikit ko na lang ang mga mata ko. Ayokong mag-isip. Ayokong mag-assume. Hindi na rin naman naimik si Nona at tumigil na sa pang-aasar sa akin. Hanggang sa makarating kami sa hotel. Diretso akong nagtungo sa kwarto ko at saka nagpahinga. *** KANINA pa ako pabaling-baling ng higa sa kama ko. After our dinner ay bumalik din ako kaagad sa kwarto ko upang magp

