Nang dumating naman ang araw ng sabado, umaga pa lamang ay maingay na ang bahay ni nanay Myrna. At syempre sa pangunguna iyon ni Joachim. Si Claudio na lamang ang inaantay namin dahil siya na lang ang kulang at s'ya rin ang may pasimuno nitong gala namin ngayon. Kahapon, nagpa-plano sila tungkol sa pagpapa-inom ni Messiah na doon na lang sa bahay nito gaganapin ang inuman. Pero sinalungat iyon ni Claudio at sinabing may alam s'yang lugar na pwede naming puntahan ngayon. "Inaantok ka pa, baby?" masuyong tanong ni Messiah sa akin. Tumango ako sa kanya. Alas kwatro pa lang kasi ay gising na ako at naghanda ng agahan namin dahil alas singko daw ang alis namin. Pero mag-aalas sais na ng umaga ngunit wala pa rin si Claudio. Na siya ring pasimuno nito. "Tulog ka muna, baby. Gisingin n

