MASAKIT pa ring marinig kay Daddy mismo ang mga katagang mahal n'ya pa ang mommy ni Messiah. Mahirap but I have to understand the situation. Kaylangan nang maghiwalay ng mga magulang ko dahil lalo lang silang magsasakitan na dalawa kapag pinilit pa nila ang isa't isa. Hindi ako galit kay mommy sa ginawa n'yang pagmamanipula sa naging desisyon ko. Bagkus, naaawa ako dahil wala nang ni katiting na nararamdaman sa kan'ya si Daddy. Ang dating nagmamahalan, ngayon ay plano nang maghiwalay ng landas. Masakit makita na sa harapan ko pa mismo pumirma si Daddy ng annulment paper nilang dalawa. It's on the process now and it's over. Nauwi sa wala ang sakripisyong ginawa ko para sa relasyon namin ni Messiah. I chose the wrong decision pero umasa lang naman ako na baka sakali, maayos pa. "

