KANINA ko pa pinagmamasdan ang mukhang nag-eenjoy na si Mutya sa atensyong binibigay sa kaniya ng masungit na si Andrew. They're flirting sa harapan namin na nginingiwian ko na lamang. "No offense pero paano niyo siya naging kaibigan?" Anne asked, tinutukoy nito si Mutya. Ako, si Nona, si Jam, si Anne at Azulle ay kanina pang narito sa tubig at naliligo. Samantalang ang mga lalake naman ay nag iinuman. Hapon na at napaparami na ang nainom nila. Si Mutya ay ganun din. "Ganiyan na talaga si Mutya. She's liberated dahil laking ibang bansa," si Nona ang sumagot. "Sina Ate Brittany hindi naman naging ganiyan kahit nasa ibang bansa sila ngayon ni Vance Kael," sagot naman ni Azulle, pagtutukoy sa mga kapatid niya. "Ate Zai Chen, too," muling giit ni Anne. "Hayaan niyo na lang. Likas na sa

