HINDI naging masaya ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon ko. I am already expecting it dahil ganoon din naman nung nakaraang taon. Ang pinagkaiba lang ngayon ay wala si Mommy sa bansa. Tanging kami lamang ni Daddy ang magkasama sa buong holiday na iyon. Hindi naman na masakit para sa akin but I am still disappointed. Nasasanay na rin ako ng ganoon. At habang patagal nang patagal, namamanhid na lang ako. "Aww my baby. Don't be sad na ha? I love you..." Nasa harap ako ngayon ng laptop at kausap ko ang Mommy ko. Isang mapait na ngiti lang ang itinugon ko sa sinabi niya. Malungkot ako at sa mga ganitong okasyon ay hindi ko siya kasama. Nakakainggit lang talaga ang ibang pamilya. "Happy new year, Serenity," mom said bago tuluyang pinatay ang tawag. Napabuntonghininga naman ako at nap

