"SIGURADO ka ba talagang magaling na iyang paa mo?" nginuso ni Nona ang paa ko habang ngumunguya ng kinakain niya. Araw ngayon ng lunes at oras na ng pananghalian. Kasama ko siya at si Jam kumain sa isang mesa. Katulad noong isang linggo, nasa second floor kami naupo. Sa dating pwesto kung saan nakasabay ko ang dalawang Presidente. "Oo, magaling na. Thank you for asking!" I smiled at her. Magaling na ang paa ko pero hindi ko muna pinupwersa at baka kumirot ulit. "That's good to hear!" Napatango tango naman si Nona. "Nga pala, Ligaya. Maiba ako. may gagawin ka ba mamaya? Busy ka ba? Like naghahabol ng lessons last week?" si Jam naman ang nagtanong sa akin. Bumaling ako sa kanya. "You see, next week na ang sports fest pero hindi mo pa nakikilala ang ilang miyembro ng club. Gahol na k

