V2 - Chapter 110

2007 Words

‘Death is not the opposite of life, but a part of it.’ – Haruki Murakami -Donovan’s POV- Bigla naman kaming napahinto sa aming ginagawa ng biglang may kumatok mula sa labas. Kaagad na tumayo si Detective Raynolds na siyang pinakamalapit sa pintuan upang tignan kung sino ‘yon. “Magandang hapon, detective, ito na ‘yong autopsy result ni Audencio.” Mabilis naman na kinuha ni Detective Raynolds ang envelope na dala-dala nito. Matapos makuha ang autopsy result ay kaagad din itong umalis kaya naman muli kaming nagpatuloy sa ginagawa. Wala na kaming sinayang pa na panahon at kaagad naming tinignan ang resulta ng autopsy. Una kong hinahanap ang pangalan ng biktima upang makumpirma na tama ang autopsy result na hawak namin. Matapos ‘yon ay hindi na ako nag-abala pang basahin ang ibang nakasul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD