‘There’s only one truth.’ Aoyama Gosho -Donovan’s POV- Kahit na medyo may nahihilo pa ay nagpasya na akong bumangon. Hindi rin naman kasi ako makatulog ng maayos nang dahil sa nalaman at nakita ko kagabi. Masyadong na-overwhelm ang utak ko sa mga nalaman ko. At ang nakakaloko pa, imbes na mabigyan kasagutan ang mga tanong ko, though may iilan na nabigyan nga ng kasagutan, mas nadagdagan naman ang mga tanong na gumugulo sa isip ko. Nanatili pa ako sa kama ng ilang minuto bago tuluyang bumangon. Pagkabangon ko ay nag-asikaso na ako papasok. Paniguradong pagdating ko sa istasyon mamaya ay may mga hang-over pa mga kasama ko, lalo na ‘yong tatlong nagpakalasing talaga. Matapos mag-asikaso, inayos ko na ang mga gamit ko at isa-isang nilagay sa bag. Nang masigurado ko na kumpleto at maayos

