‘If one could order a crime as one does a dinner, what would you choose? – Agatha Christie (The A.B.C Murder) -Donovan’s POV- Mahigit isang linggo na rin ang nakalilipas matapos ang nangyaring insidente sa may Crossroads. Matapos ma-track ang sasakyan na nakuhanan ng CCTV footage ay wala na kaming sinayang na panahon pa at kaagad na pinuntahan ang sinasabing lugar. Halos isang oras din ang inabot namin sa byahe at nang marating ang lugar ay natagpuan namin ang pinagtataguan ng mga suspek. At dahil may kasama rin kaming back-up team ay wala nang nagawa pa ang mga salarin kung hindi ang sumuko sa amin. Hindi na rin naman na sila nakapalapag pa dahil napalilibutan na sila. Kaya naman hindi naging mahirap para sa amin ang hulihin ang mga ito. Ngunit nang dalhin na ang dalawa sa presinto up

