‘You find suspects not by their status, but by suspicions.’ -Donovan’s POV- Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako. Bago pumasok ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng condo. Mataas ito na sa tingin ko ay nasa mahigit kumulang dalawampu’t dalawang palapag. Matapos ang ilang minuto ay pumasok na ako sa loob. Kahit malalim na ang gabi ay may iilan pa ring nakatambay sa lobby habang kaharap ang kani-kanilang mga gadget, ‘yong iba pa ay mukhang mga estudyante pa. Ang iba naman ay nakatambay pa. Marami pa rin palang gising sa mga oras na ‘to, hindi nga lang sila lumalabas. At dahil hindi basta-basta ang lugar ay may mga security personnel na nagbabantay at naglilibot sa buong lugar. May iilan ding staff ng condo na nalalakad-lakad sa paligid. Iba talaga kapag mapera ka o kaya naman

