‘The trouble is that all the investigators proceeded in exactly the same spirit, the spirit that is of scientific curiosity, and with no possibility of telling whether the issue of their work would prove them to be fiends, or dreamers, or angels.’ – Robert Strutt -Donovan’s POV- Sinuri ko ang buong paligid at walang kung anong bahid ng dugo sa buong lugar bukod sa natural na dumi ng buong kwarto. Wala ring dugo ang katawan ng biktima, bagkus, may nakatali na lubid sa kanyang leeg na nakasabit sa kisame ng kwarto. Tinignan kong maiigi ang katawan ng biktima at mukhang hindi pa gano’n katagal simula ng mamatay ito dahil nagsisimula pa lang din maging ube ang kulay ng katawan nito. Nilapitan ko ang katawan ng biktima at sinubukan na hawiin ang lubid na nakatali sa kanyang leeg. Walang ib

