‘People have emotions. A troublesome attribute that’s not only invisible, but also changes easily. If it’s friendship or love, then that’s fine. But if by some trigger it changes to malice and vengeance, then that could bring forth thoughts of murder.’ – Ai Haibara (Detective Conan) -Donovan’s POV- Idinilat ko ang mga mata ko at kulay puting paligid ang bumungad sa akin. Sinubukan kong bumangon pero biglang sumakit ang ulo ko kaya naman pinili ko na lang na mahigang muli. Alam ko na kaagad na wala ako sa kwarto ko dahil hindi naman ganito ang ayos no’n. Habang nakahiga ay nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. May maliit na sofa sa gilid habang may nakalagay na supot ng pagkain sa mesa. “Gising ka na pala team leader,” bigla akong napatingin sa kapapasok lang. “Kumusta na ang pa

