‘Read like a detective and write like a conscientious investigative reporter.’ – David Coleman -Donovan’s POV- If the operation went wrong, he would have tried to hide and dispose the body to conceal the crime. Pagkatapos niyang mahanap ng lugar na paglalagyan ng katawan ng biktima, siguradong magse-send siya ng message sa boyfriend ng biktima. Ang tanong, paano niya malilipat ang katawan ng biktima ng walang nakakakita? At saan niya naman ito itatago? Hindi kaya? Bumalik ako sa recovery room para tignan ang buong lugar. Kung tama ang hinala ko, paniguradong hindi pa umaalis ang suspek. Pagpasok ko sa loob ng recovery room ay wala naman akong napansin na kakaiba. Malinis ang buong paligid maliban sa maruming itim na guhit sa sahig. Sinundan ko ang guhit hanggang sa mapunta ako sa may

