‘A detective sees death in all various forms at least five times a week.’ – Evan Hunter -Donovan’s POV- Bago tuluyang umalis ay lumapit muna ako kina Detective Angeles at Detective Ventura para humingi ng pabor. “Detectives, can you look for this Tomas Stein and send me his files? Also, can you look for this shoe print?” at pinakita ko sa kanila ang picture na kinunan ko kanina sa mismong crime scene na sigurado kong may kinalaman sa kaso. “Send me the files once you are done.” “Will do, team leader,” sagot nila kaya naman tuluyan na akong umalis matapos kong mapasa ang mga litrato. Nang makalabas ay agad akong sumakay sa sasakyan kung saan naghihintay sa akin si Detective Raynolds. Pagkasakay ko ay agad din niyang pinaandar ang sasakyan patungo sa crime scene. Ang daming tanong ang

