‘Humans can’t reverse the flow of time. If you try to twist it against its will… You’ll be punished.’ – Ai Haibara -Donovan’s POV- “Bakit kasi hindi nila ipaayos ‘yong mga ilaw do’n para naman wala nang pabalik-balik dito,” reklamo ni Detective Villares matapos umalis no’ng dalawang magulang na pumunta na rito. Alas-siyete na ng gabi at maya-maya rin ay pauwi na dapat kami, kaso nga lang ay mukhang mago-overtime pa kami dahil sa reklamo na natanggap namin. Hindi naman napaka-bigat no’ng reklamo, ang problema lang ay kailangan pa naming pumunta sa kabilang presinto upang kausapin ‘yong mga pulis na nagpa-patrol. Ilang beses na rin kasing pabalik-balik ang ibang residente rito dahil hindi raw pinapaayos ang mga streetlights sa lugar nila. Iilang residente na rin kasi ang naaksidente roo

