‘Mystery creates wonder and wonder is the basis of man’s desire to understand.’ – Neil Armstrong -Donovan’s POV- Magkabilaan kami ni Detective Raynolds sa pagtingin sa mga sasakyan. Ako sa kanang bahagi habang siya naman sa kabila. Halos sampung minuto lang ang lumipas at natapos na kami sa pagtingin sa mga sasakyan. Unfortunately, we didn’t find the car that Stephanie Cortez used. “Tinignan mo bang maigi ang mga plate number?” tanong ko kay Detective Raynolds, baka mamaya kasi ay may nakaligtaan siya at baka ‘yon na ang hinahanap namin. “Yes, team leader. Pero negative. Mukhang wala rito ‘yong sasakyan na hinahanap natin,” sagot niya. “Let’s check the whole place one more time. Baka nalagpasan lang natin,” I said at nagsimula na muling tumingin sa mga sasakyan. At kagaya ng kanina

