‘There’s a little novelty in the detective who cannot solve himself.’ – Ben H. Winters -Donovan’s POV- Scam! Isang malaking scam! In-scam ko ang sarili ko kagabi. Plano ko sana na gawin ang astral projection kagabi pero hindi natuloy, dahil na-scam ako. Na-scam ako ng sarili kong katawan. Paano ba naman kung kailan pinipilit kong mag-focus para magawa ng maayos ang astral projection, saka naman ako nakatulog. Imagine, nakatulog ako habang ginagawa ang astral projection, kaya naman ang ending, sobrang himbing ng tulog ko kagabi. Pero ayos na rin dahil nakapagpahinga ako. ang sarap tuloy ng gising ko ngayon. Kulang din kasi talaga ako sa tulog no’ng mga nakaraang araw, idagdag mo pa na masyadong pagod ‘yong katawan ko, kaya naman ang bilis kong makatulog kagabi. Masyado akong napahimbin

