‘Time is a terrible thing, because it erases joys and pains at the same time.’ – Gosho Aoyama -Donovan’s POV- “Base sa Central Patrol Division, may nakuhanan sa CCTV sa Capitolio na kamukha ng kanang kamay ni Maverick Manal na si Jovert Java. It looks like he’s with his boss.” Mabilis kaming kumilos upang puntahan ang lugar kung saan sinasabing nakita ang kanang kamay na Maverick. Kasama ang ilang miyembro ng crime unit 2 ay kaagad kaming dumiretso sa Capitolio kung saan nakuhanan ng CCTV si Jovert Java. “Let’s split. The crime unit 2 can come that way,” sabay turo ko sa kalye na nasa kanan at kaliwan namin. “Detective Roxas, Detective Villares and some police officer, look on that street,” turo ko naman sa kalye na nasa likuran. “Yes, team leader. Let’s go!” at kaagad na silang uma

