‘There is nothing as deceptive as an obvious fact.’ - Anonymous -Donovan’s POV- “Magandang hapon po sa inyo, hinahanap po namin si Benito Bueno, narito ho ba siya ngayon?” magalang na tanong ni Detective Raynolds sa matandang nagbukas sa amin ng pinto. Nandito kami ngayon sa address na ibinigay ng security kanina. Sinabi rin nito na kapag ganitong araw ay nananatili lamang ito sa bahay nito upang magpahinga. “Sino kayo? May ipauutos ba kayo sa kanya?” tanong naman nito pabalik sa amin. “Ah hindi po, may gusto lang sana kaming itanong sa kanya. Pwede ba namin siyang makausap?” Ilang beses pa nagpabalik-balik sa amin ang tingin ng matanda bago ito muling nagsalita. “Sandali lang. tatawagin ko si Benito, maghintay na lang kayo rito sa labas dahil hindi tayo kasya sa loob.” “Ayos lang p

