‘The world is full of obvious things which nobody by any chance ever observes.’ – Arthur Conan Doyle -Donovan’s POV- “Team leader, sandali,” narinig ko pang wika ni Detective Ventura ngunit hindi ko na pinansin pa. “Be ready. Standby,” mahinang wika ko at dahan-dahang naglakad paabante. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng bahay. Nakakapagtaka lang na sa sobrang tahimik ng buong paligid ay wala man lang akong marinig na ingay mula sa loob ng bahay. Nang masiguradong tahimik ang buong paligid ay sumenyas ako sa kanila at pumwesto naman ang lahat. Posibleng may hawak na patalim ang suspek kaya kailangan naming mag-ingat. Dahil kapag nagkamali kami ng kalkula sa mga pangyayari ay posibleng mapuruhan pa ang biktima. Ilang minuto na rin ang nakalipas kaya kailangan din naming bilisan ang p

