‘Very few of us are what we seem.’ – Agatha Christie -Donovan’s POV- “Thank you Mrs. Angelo for accommodating us,” I said at nagpaalam na kami sa mag-asawa. Matapos manggaling sa crime scene ay dumiretso na kami ni Detective Raynolds sa bahay ng biktima habang naiwan naman doon sina Detective Roxas at Detective Angeles. Hinihintay pa namin ang lab result ng biktima, idagdag pa na wala pa rin kaming nakukuhang ebidensya o witness man lang sa kaso kaya naman kailangan namin isa-isahin ang mga taong malapit o may koneksyon sa dalaga. Nang makausap namin ang mga magulang ng biktima, napag-alaman namin na nagpaalam pala ito na aalis siya ng gabing iyon kaya naman panatag ang kanyang magulang na makakauwi pa ang dalaga kinabukasan lalo na at kasama nito ang kanyang matalik na kaibigan. The

