ERICA POV
ARAW ng linggo. Maaga siyang umalis para magpunta kina Clarissa. Syempre, dating gawi, magpapaayos na naman siya kay Peewee at tatambay doon hanggang mamayang gabi dahil may dinner date sila ni Jake.
"Alam mo.. di ko kinakaya ang trip mong babae ka–" ani ni Clarissa. Wala rin itong pasok. "–biruin mo, ka-text mo 'yon lalaking naka-one-night stand mo na ka-roommate mo pa ! at.. may dinner date pa kayo ngayon. Anong mangyayari pag nalaman niya ang totoo? Ha, aber?" nagpameywang pa ang kaibigan niya.
Napanguso siya. Kakatapos lang siyang lagyan ng hair extension. Napabuga muna siya ng pahinga bago nagsalita.
"Magsasabi din ako sa kanya–"
"Kailan pa 'yon?"
"Basta !" palatak niya.
Napapailing na lang sa kanya si Clarissa.
"Mas lalong lalala pag ganitong nagkikita kayo. Paano kung ligawan ka tapos sagutin mo?"
"Hindi pa siya nanliligaw."
"Sa lagay na yan di pa ba nanliligaw 'yan?"
Napabuntong hininga na naman siya. Bakit ba ang hirap hirap iwasan si Jake? Oo, magkasama sila araw-araw mula umaga hanggang gabi pero... hindi naman siya nakikita nito bilang Erica. Nakikita siya ni Jake bilang Rico. Tsk !
"Masama ang kutob ko sa ginagawa mo. Gumagawa ka ng bagay na ikakasakit mo rin. Kung ako sa'yo – magtapat ka na. Malay mo, matulungan ka pa niya magtago sa Step-father mong baliw," lintanya uli ni Clarissa.
Iniisip naman niya iyon. Hindi lang niya alam kung paano magsisimulang magsabi sa binata. Napayuko siya. Hindi pa pala niya nabanggit sa kaibigan ang nangyari sa kanila ni Jake nun isang gabi. Hayss. Hahayaan na lang muna niya 'yon.
Pagsapit ng alas-siete ng gabi. Nagulat siya ng tumawag sa kanya si Jake. Gusto nitong sunduin siya subalit tumanggi siya, mauuna na lamang siya sa meeting place nila.
Isang Italian Restaurant sila nagkita ni Jake. May reservation na pala ito roon. Nauna siyang nakarating, lumipas lang ang ilan minuto dumating na rin si Jake.
Simpleng maong jeans lang ang suot nito at white long sleeve na nakatupi hanggang siko. Ang linis-linis at ang bango bango nitong tignan. Napakagwapo. Papasa na itong modelo na nasa billboard.
"Kanina ka pa?" bungad agad nito.
Umiling siya."Hindi naman. Kakarating ko lang."
Nginitian siya ni Jake. "You look ravishing today," anito saka kinintalan siya ng halik sa labi na kinagulat niya.
"I just... miss your lips," naupo na ito sa katapat na upuan niya saka sumenyas sa isang waiter.
Napalabi siya. Pakiramdam niya pulang pula ang buong mukha niya. Gosh !
Gusto niyang takpan ang mukha subalit nagpigil siya.
"Ikaw rin. You look hot," komento niya sa binata.
Nakita niya ang pagsilay ng kakaibang ngiti nito. "Really, hot ako ngayon? Hmmm, mas hot nasa ibabaw mo ko," untag nito na lalong kinapula ng mukha.
Marahan naman natawa si Jake.
"Gumaganda ka lalo pag nagbu-blush."
Mayamaya pa ay dinala na ang pagkain nila.
"Nag advance order na pala ako. Don't worry, superb ang food nila dito–" sabi ni Jake sa kanya dahil nakatingin siya sa masarap na Florentine steak at Ravioli.
"Yeah. It looks really... tasty," matamis siyang ngumiti.
"Pero may alam akong mas TASTY pa diyan–" pilyong tumingin sa kanya si Jake.
Mahinang natawa siya. "Heh ! Stop being naughty – kumain na lang tayo," saway niya rito. Napailing na lang siya ng kumindat pa ito sa kanya.
Masarap ang foods, halatang sanay na sanay ang binata kumain sa mga ganitong klaseng classy restaurant. Mayamaya may naisip siyang itanong sa binata.
"Can I ask you something, Jake?"
"Sure. Anything."
"Ano pala ang part time job mo? Ahm, you mentioned to me last time na may part time ka pero hindi mo sinabi kung ano–" aniya kay Jake habang nilalaro ang straw sa iniinom niyang strawberry italian soda.
Umayos naman ng upo si Jake.
"Oh that– Well, janitor ang part time ko," walang inhibisyon amin nito.
Napatanga siya. Akala niya mag iimbento ito ng iba para magpasikat sa kanya. Hindi niya inaasahan magsasabi ito ng totoo. Napangiti siya, at least hindi nito kinakahiya ang pagta-trabaho bilang janitor.
"Really? Saan?"
Hala sige, Erica .. kunwari wala kang kaalam alam.
"Sa JMorris Resort and Casino. Actually, family business namin 'yon. Weird ang Daddy ko, gusto niya magsimula ako sa mababa para matuto daw ako."
Napaawang labi niya. Bakit ba hindi nag sink-in 'yon sa utak niya? Jake Morris ? JMorris Resort and Casino? Hmm make sense !
So all along kasama niya ang tagapagmana ng malaking hotel ! Damn !
Paano na lang pala pag nalaman nito pineke niya ang dokumento niya para makapasok sa trabaho? Paktay talaga siya !
"Nahihirapan ka naman ba sa work mo?" tanong niya uli.
Umaktong nag iisip ito saka ngumiti.
"Sa una siguro, sa katagalan nag-e-enjoy na rin ako. Marami akong nakikilala, at marami akong nalalaman na mga suggestions ng mga guest kung anong pwedeng ayusin o dagdagan sa mga amenities at nakakatanggap din ako ng mga tips, though its weird pero nakakatuwa."
Natutuwa siyang malaman iyon sa binata. Malakas ang pakiramdam niya magiging magaling ito hawakan ang negosyo ng pamilya nito.
"And you what– I have a roommate. His name is Rico. He's very nice. Natutuwa ako kasama siya sa trabaho," dugtong nito.
Napahinto siya. Napatitig siya kay Jake na abot tenga ang pagkwento sa kanya tungkol sa katrabaho nitong Rico ang pangalan. Panay ang kwento pa nito na mga nakakatawang experience nito at Rico sa trabaho. Hindi niya rin maiwasan matawa pag naalala ang mga sinasabi nito.
Hindi siya nagsasalita, panay lang ang ngiti niya sa kada kwento ni Jake. Busog na busog ang puso niya sa mga oras na yon, hindi niya akalain na siya bilang Rico ang magiging topic nila.
"Hayaan mo, one of these days.. ipapakilala kita kay Rico," natatawang sabi nito. "Masaya siya kasama."
Napalunok siya ng laway. One of these days?? Hmm, mukhang malabo yata yon. Paano niya hahatiin sa dalawa ang sarili niya? Tsk ! Mukhang tama yata si Clarissa, gumagawa siya ng bagay na ikakapahamak niya.
"Hmm, sure– can't wait to meet him," wala na siyang ibang masabi.
Pagtapos nila kumain, niyaya siya ni Jake na magpunta sa JMorris Resort and Casino.
"Ha? Saan?"
"Sa workplace ko. Maaga pa naman. Gusto ko ipakita sayo ang hotel. Tara–" yakag nito at hinawakan ang kamay niya.
Tinambol ng malakas ang dibdib niya. Gusto niyang tumanggi subalit nahila na siya nito patungo sa isang black sedan na kotse.
Napasinghap pa siya ng pagsiklupin nito ang mga kamay nila. Tila may kakaibang kuryente ang bumalot sa buong katawan niya. Jusko ! Ang rupok mo, Erica – !
Wala na siyang nagawa kun'di magpaubaya sa binata. Bahala na talaga. Susundin muna niya ang karupukan niya bago utak.