ERICA POV MASAYA siya dahil sa wakas nakarating na siya ng Maui, Hawaii. Lumapag ang eroplano lulan niya sa Honolulu, Hawaii at mula sa Honolulu, sumakay uli siya ng eroplano patungo naman ng Maui, Hawaii. Isang Isla iyon, second-largest island sa Hawaii. Napakaganda ng lugar, masasabi niyang isa sa pinaka marangyang Isla na nasilayan niya. Mariin siyang pumikit ng humampas sa mukha niya ang malamig na simoy ng hangin. Ahh so relaxing ! Tumungo na siya sa Savoy Hotel. Hindi naman siya nahirapan makisama sa mga bagong katrabaho dahil karamihan ay mga Pinoy din. "Hello, good day to you all. My name is Erica Tan, and I am your Acting Manager here at Savoy Hotel. It is a pleasure to meet everyone. I hope we can all work well together and build a strong sense of unity so we can further impr

