ERICA POV NAPATILI sya ng barilin ni Mr. Dela Rosa si Tiyo Ramon. Sapo ang duguan na tiyan na humandusay sa sahig si Tiyo Ramon. "Tarantadó ka ! Sino ka para kumontra sa gusto kong mangyari ?!" bulyaw ni Mr. Dela Rosa kay Tiyo na namimilipit at duguan sa sahig. Nanginginig ang buong katawan nya sa takot habang nakatunghay kay Tiyo Ramon. Sumulyap sa kanya si Mr. Dela Rosa saka marahas na hinaklit ang maiksi niyang buhok at walang pakundangan itinutok sa ilalim ng baba nya ang hawak nitong baril. Kulang na lang mapugto ang hininga nya sa labis na takot na nararamdaman. "P-Please..." mahinang usal nya. Mala-demonyong ngumisi ito. "Please what?! Ikaw ... Ikaw ang dahilan kaya nasisira ngayon ang pangalan ko sa publiko ! Ikaw !" sigaw nito na sobrang lapit sa mukha nya. Hanggang dahan d

