ERICA POV NANGHIHINA na siya, di na niya malaman kung ilang araw na siyang nakakulong sa silid na 'yon kung saan siya dinala ni Tiyo Ramon. Namamanhid na rin ang buong katawan niya pati kanya mukha dahil sa tuwing sumisigaw sya o pumapalag, matinding bugbog, sipa, suntok ang natatamo niya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng pag asa. Nakaupo siya sa sulok sa ibaba ng kama, nakayakap sa dalawang tuhod, hilam ang mga luha at nakatulala sa pader nang mapasukan siya ni Tiyo Ramon. "Dahil naging mabait ka ng ilan araw," anito sabay lapag sa harapan niya ng isang supot na may tatak ng isang sikat na fast food chain. "– ayan binilhan kita ng Mcdo, dalawa chicken yan at rice, may burger, fries pa at coke. Kumain ka na," malambing na sambit nito saka hinimas ang pisngi niya. "S-Salamat," w

