JAKE POV NANG MAGISING siya wala na si Erica sa tabi niya. Napabalikwas siya ng bangon. Shít ! Napatingin siya sa wall clock. It's past 1PM. Pagod na pagod 'yan? Inalala niya ang mga nangyari. Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi niya. Yeah, magdamag niyang inangkin ang dalaga at buong puso naman itong binigay ang sarili nito sa kanya. So, anong ibig sabihin sa nangyari sa kanila? Hindi naman siya lasing kagabi at maliwanag pa sa liwanag ng buwan na ang dalaga mismo ang unang humalik sa kanya. Lasing ba si Erica kagabi? Napahawi siya ng buhok at tumayo na. Nakatupi na ang mga nahubad niyang damit sa gilid ng kama. Mabilis naman siyang nagbihis hanggang sa napansin niya ang isang chocolate wrapper sa ilalim ng kama. He frowned as he grabbed it. 'Tabs' was the name of the chocolate. F*ck!

