ERICA POV NAPALINGON siya sa tulog na tulog na binata sa tabi niya. Naroon sila sa loob ng kotse nito, nakatulog si Jake habang nakaupo sa driver seat. Matapos siyang isakay nito sa kotse, mugto pa rin ang mga mata ay bigla na lang ito napapikit hanggang sa nakatulog na nga ito. Kung tutuusin, pwede na niyang iwanan ang binata pero hindi niya magawa. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ni Jake habang pinagmamasdan ang gwapong mukha nito. Napabuga siya ng malalim na paghinga. Lord, if I could just have one thing... it would be this. Please, if we are truly meant to be, give this person to me. But if we aren't, please help me move on and forget him. Hindi niya namalayan na tumutulo na ang mga luha niya. "Ang sakit lang ... dahil wala naman sa plano kong kilalanin ka, ni wala sa plano k

