ERICA POV "BITIWAN MO AKO! bitaw sabi e,–" marahas na palag niya nang hatakin siya ni Tiyo Ramon palabas ng elevator at hinihila siya patungo sa isang kotse. Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Ang tagal kitang hinanap, nandito ka lang pala nagtatago sa Cebu," paasik na sabi nito na madilim ang anyo. Pinagmasdan pa nito ang itsura niya sabay hawak sa maiksing buhok. Pagak na tumawa ito. "Pinutol mo pa ang buhok mo para lang makapagtago? At sa tingin mo 'di kita makikilala? ha?!" bulyaw nito. Pinilit pa rin niyang pumalag subalit sadyang malakas ito dahil malaking lalaki rin si Tiyo Ramon. "Ano pa ba ang gusto mo?! Wala na si Nanay, kaya pabayaan mo na ako ! Hindi kita Tatay at mas lalong hindi kita kaano-ano !" singhal niya rito. Sinadya niya pang lakasan ang boses

