Shikaru's POV Pabalik na ang dalawang lalake at kita ko mula sa pwesto ko na mukhang hindi masaya ang pinagusapan nila dahil sa hindi maipinta ang itsura ni Theodore, mukhang nakatanggap siya ng masamang balita, bakit kaya? "Uwi na tayo, Jenny. Mukhang lasing ka na," sabi ko kay Jenny nang kita ko na medyo tulala na ito sa kawalan at nagewang na sa kanyang pwesto. Nang makarating na sila sa pwesto namin, nagpaalam na ako kay Theodore na uuwi na kami at ihahatid pa itong kasama ko, pumayag naman ang dalawa at tinanong kung kailangan ko ba ng tulong o ano pero tumanggi ako at sinabi na okay lang kami at wala pa ako sa kalahati bago malasing. Inalayan ko si Jenny habang hinahatid ako ng dalawa papunta sa parking lot, si Alex lang ang nagsasalita sa amin at panay tango lang ang sagot ko h

