SHAWN MALALAKAS na tawa ang pumuno sa buong sulok ng hideout place nila dahil sa harap-harapan pangba-basted ni Charlene sa kaniya. Nakabusangot na tumingin siya sa mga kaibigan niya. "Masaya kayo?" sarkastikong tanong niya kina Sarmiento na lalong kinatawa naman ng mga ito. Hindi naman siya naiinis dahil sa ginawa ni Charlene. Wala lang, naisipan kasi niya ipagsabi sa iba na nobya na niya ang dalaga dahil sa mga larawan kumalat-kalat na magkasama silang kumakain. Sinabi lang niya iyon para hindi mag-isip ng kung ano ang ibang tao sa dalaga. At saka, sooner or later magiging nobya niya rin ito. Nangingiti siya sa tuwing naalala ang nangyari sa Roxas Night Market, wala lang natutuwa lang siya nakasama niya roon ang dalaga. "Assuming ka, Bro! Hindi mo naman pala girlfriend si Charlene.

