CHARLENE NAPAIGTAD siya sa gulat ng may umupo na lang bigla sa tabi niya. Medyo nataranta rin siya dahil akala niya ay kung sino na. Si Shawn lang naman pala. "Anong mayroon dito?" parang walang alam na tanong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang basang mukha at tumikhim muna bago nagsalita. "Ano bang ginagawa mo rito? At paano mo nalaman andito ako?" may bahid nang inis ang tono ng boses niya. Nagkibit balikat lamang ito saka pa-simpleng nagbunot ng damo. Tumaas ang sulok ng kilay. Ano na naman kaya ang trip ng isang 'to? "Galing ako sainyo, hinahanap ka yata ng Mama mo. Ang sabi umalis ka raw at tumakbo sa gawi rito kaya sinubukan ko lang kung makikita kita rito." Kalmadong tugon nito sabay prenteng nahiga sa damuhan at ginawang unan ang dala nito bag. "Ano bang mayroon at may pa-em

