CHARLENE POV "MERRY CHRISTMAS!" malakas na pagbati nila ng sabay sabay ng tumuntong ng alas dose ng umaga ang orasan. Yumakap siya kay Mama at Tiya. "Merry christmas, Ma – Tiya," ngiting ngiti siya sa mga ito. Kasalukuyang nasa Davao siya ngayon, umuwi siya ng Tagum bago pa magpasko. Nag-resign na kasi siya sa pinapasukan call center. Hindi na niya malaman kung bakit na demoted siya dahilan para mawalan na siya ng gana pumasok. "Anong plano mo, Anak? 'yon apartment mo umalis ka na ba doon?" sunod sunod na tanong ni Mama sa kaniya. Kumuha muna siya ng macaroni salad sa mesa saka tumingin rito. "Opo, Ma. Umalis na po ako sa apartment ko. Balak ko po muna mag pahinga kahit ilan linggo lang tapos mag hahanap na po uli ako ng trabaho," aniya sa Mama niya. Bakas ang pag aalala nito sa kan

