Sinadya ni Tyler na magtagal, nais niyang ilabas ang bigat ng kanyang pakiramdam. May kinausap lamang siyang kliyente at investor at sagit lamang naman iyon. Sinikap naman niyang manatili sa loob ng opisina to buy some time pero parang lalo lamang siyang nababaliw sa kakaisip at para siyang minumulto ng mga nalalaman at ang hirap na wala siyang mapagsabihan. Walang mapuntahan si Tyler pagkatapos ng office hour, ayaw naman niyang umuwi ng bahay at ayaw niyang makita si Maricar. Lalong ayaw naman niyang maagang magpunta sa hospital, Una, mahihirapan na naman ang kalooban niyang makita si Erika at ikalawa nasasaktan siyang wala na itong interes sa kanya. “Anything more sir?” Gambalang tanong sa kanya ng waiter na nasa harap pa pala niya. “Ah paki bigyan na lang ako ng tufu sisig. Thank

