"Wait anong sinasabi mo? pakilinaw nga?" Nagtataka ng sabi ni Tyler.
"Okay tutumbukin ko na Sir. Ipapasa ko ang form na ito Sir, sa isang pakiusap at isang kondisyun." sabi ni Erika.
"Ano? You're delaying this, Erika. What's with you?" Anong pakiusap at anong kondisyun ba yan at bakit mo kailangan gawin ito? At Ikaw pa talaga dapat ang magbigay niyan. This in unbelievable, nasa panganib ang anak mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Tyler. Bakit parang pakiramdam niya siya ang problema, kahit siya pa nga ang tumutulong sa mga ito "D*mn it, ano to?" Sa isip isip ng binata.
"Una muna ay magpapasalamat ako Sir, sa pagtulong mong ito. Hindi mo alam kong gaano mo pinalakas ang loob ko sa araw na ito. Ang ipapakiusap ko sana total mayaman ka naman ata Sir o baka may kakilala ka na pwedeng mag sponsor sa gamot ni Dos." tinatagan ni Erika ang loob. "Ang iniinject sa kanyang white blood cell twice a week ay kulang lang ng bente ay isang libo na. Kaya makikiusap ako sir kung pwede after nito ay tulungan mo pa rin ang pangangilangan gamot ng anak ko." sabi ni Erika. Nagsisimula ng nangatog at mamasa masa ang mga mata niya.
"Okay, Miss Erika, we will go to that later. Ang gawan muna natin ng paraan ay ang ngayon. Baka maipasok ko sa foundation ang anak mo para may mag spnsor. Sige, don’t worry about that, halika na kailangan ng masalinan ni Dos ng dugo." sabi ni Tyler.
"Salamat sir, pero tatanggpain ko po ang lahat ng tulong nyo sa isang kondisyun," sabi ni Erika.
"Here we go again. Oo nga pala may Kondsiyon pa pala bukod sa pakiusap sabi ni Tyler. "Ayan na naman si Kondisyun. Tungkol ba saan yan?" tanong ni Tyler na medyo nauubosan na ng bait sa babae. Para tuloy gusto na niyang pagsisihan na na attached siya sa mag ina.
"Sir...Babayaran ko sir ng isang gabi ang lahat ng itinulong ninyo." bungad ni Erika, mala deal or no deal. "Isang gabi buong mag damag Sir, gawin mo ang gusto mo. Iyo na ako Sir." sabi pa niya.
"What!?" Malakas na sabi ni Tyler na hinablot palapit sa kanya ang babae dahil baka may nakarinig dahil malalas ang boses nito.
"What the hell are you talking about? Are you telling me na ano? Do you think I'm a pervert? How could you? Oh my God…! Eto po ba ang mapapala ko sa pagtulong ko, Jesus. I can't believe you dare to offer me?" Sabi ni Tyler. Pero iba ang naging kahulugan kay Erika ng mga salitang iyon. Pero anuman ang matangap niya pang iinsulto ang makamit niya kahit anong panghuhusga ay ayos lang masiguro lang niya na tuloy tuloy nitong tutulungan si Dos.
"Sir, doon nga ako nagta trabaho pero hindi ako marumi Sir, kahit ipagtanong mo pa. Malinis ako Sir, walang kati walang tulo walang itchiness kahit mag flash light ka pa Sir palaging hugas."sabi ni Erika. "Maalaga din po akong Sir kaya mabango palagi kaya hindi ka talo sir," sabi pa nya.
"I don’t care about that, anong flashlight? Oh F*ck anong bang iniisip mong ito Erika?" hindi makapaniwalang sabi ni Tyler.
"Hindi ko akalaing ganyan ang iniisip mo sa akin all this time? Bawat sulyap mo pala sa akim laniann pa ay maniac ang tingin sa akin.Tingin mo wala akong taste? sa akin? F*ck! I just want to help, hindii ko na din nga alam kong bakit i want to help you. Pero kung babastusin mo ang pagkatao ko ng ganyan," humina ang boses ni Tyler at saglit nanahimik.
"It’s a No! Erika. Bahala ka na, ipagamot mo ang anak mo o hindi bahala ka na." sabi ni Tyler na talagang napikon. Mabibilis ang hakbang na lumabas ng hospital lobby si Tyler. Naiinis siya at kailangan niyang manigarilyo. Naiinis siyang ganun ang tingin sa kanya ni Erika pero naiinis rin siya sa sarili niya dahil gusto niyang bumalik doon at yakapin ito at sabihing sige payag siya.
Naiinis siyang nanggigil pero hindi kay Erika kundi sa sarili niya dahil muntikan na.... muntikan na siyang umuo kanina. Alam niyang sinusubukan siya ni Erika, alam niyang iniinsulto nito ang pagkatao niya. Sino nga ba naman ang makakampante kung bigla na lang isang estranghero ang magiging concern sa kanila bigla ng ganun, kung walang ibang motibo.
"Damn it, maganda si Erika, sexy, mabango at nakakahalina," napakapit si Tyler sa barandilya ng hagdan palabas ng hospital. "Ano bang pumasok sa kokote ng babaeng iyon? Sh*t isang buong magdamag? sino..?sinong lalaki ang tatanggi doon Erika damn it! Inis na sabi ng binata. Hindi matangap ni Tyler na natutukso siya ng isang babaeng bayaran. Naiinis siyang inaasam niya ang isang magdamang na iyon kasama ang babaeng may asawa at anak.
"Teka? may asawa nga ba ai Erika? Nasaan nga pala ang asawa nito? Bakit nga ba hindi niya naitanong ang tatay ng bata. Eto dapat ang aligaga ngayon at hindi siya" muni-muni ni Tyler.
Pumasok si Tyler sa kotse matapos manigarilyo at handa na sanang umalis ng katok sa side window niya ang umabala sa kanya. Isang batang pulubi, halos kaedad ni Dos, maputla pero nakangiti ang nakita niya at parang binayo ang dibdb ni Tyler pagkakita sa marungis na bata na parang nagpaalala sa kanya na may kawawang bata siyang tatalikuran dahil sa kadamutan niya. Napahilamos ng mukha si Tyler saka ilang beses nagmura at nahampas pa ang manibela. Buong akala naman ng bata ay nagalit ang binata sa panlilimos nito kaya tinanyakan nito ang gulong niya sabay karipas ng takbo. Lalo lamang naalala ni Tyler si Dos.
"Dos....!" biglang sinaklot ng lungkot ang dibdib ni Tyler kaya biglang bumaba ang binata. Hindi napansin ni Tyler na may tao pang iba sa gilid ng kotse niya. Nagulat siya ng mapansin niya na naroon pala sa gilid ng kotse si Erika.
"E-Erika kanina ka pa ba dyan? Bakit narito ka sa labas?" tanong ni Tyler na nagulat.
Hindi niya namalayan na nakasunod pala sa kanya ang babae.Napamura ng malakas si Tyler na ikinalingon ng ibang standby sa gilid gilid ng lumuhod si Erika sa tapat niya at yumakap sa lower body niya. Para tuloy naging micropono ni Erika ang p*********i niya. Erika..!? Ano bang..? tumayo ka nga ri...? D*mn, you're making me nervous too." pakiusap ni Tyler. Pero hindi gumagalaw si Erika at humigpit pa ang kapit sa kanya. "Tumayo ka Erika, what are you doing?" May konting irita na ang tono ni Tyler. Maiksi ang pasensya ng binata pero hindi niya alam kong bakit humahaba iyon sa babaeng kaharap.
"Please, Sir, please!Please, para mo ng ng awa. Hindi kita iniinsulto pero yun lang ang kakayanan kong makabayad. Kahit sa konting pagasa, kahit sa hilaw na pagasa gusto kong masabi ko man lang sa anak ko na may pagasa, Sir..." Umiiyak na sabi ni Erika.