Chapter 34

1288 Words
"T-Tyler....!?" Nagulat pa si Erika na naroon na ang lalaki sa likod niya. "Kanina ka pa ba dyan...?" Nahihiyang tanong ni Erika. "Not too long, but i heard enough. Hindi mo na kailangang mangutang para magpunta sa hospital Erika. Dadalhin naman kita doon alam mo yan. Wala ka bang tiwala sa akin? " may himig tampo ang tono ni Tyler. Napayuko naman si Erika, biglang nahiya.Naramdan kase niya sa tono ng lalaki ang pagdaramdam. "Kaya nga lang Erika, okay lang ba na mamaya pa? Alas Dos ang oras ng dalaw , Erika " tiim ang bagang na sabi ni Tyler. Para kasing nasaktan siyang wala itong tiwala sa kanya. Pero tumitig ng matagal sa kanya si Erika bago ito nagsalita. "Pasensya na Tyler kung naaabala kita. Akala ko kase dumalaw ka na kay Dos ng hindi ako kasama. Kase kung nakakaabala naman ako ay magsabi ka lang pwede mo namang ituro na lang sa akin ang pagpunta doon." nasabi ni Erika ang nasa isipan. "Really Erika..!? noon ay hindi mo nga naisip na nakakaabala ka? tapos ngayon na alam ko nang pamangkin ko si Dos ay ngayon mo naisip na baka nakakaabala ako? really? Ano ito Erika..!?" naiinis na sabi ni Tyler. Parang hindi niya gusto ang tinatakbo ng scenario. "Pasensya ka na wala akong masamang ibig sabihin" napayuko na lamang si Erika. Nahiya din sa mga sinabi niya. "Inaabala ko ang sarili ko noon pa man Erika, para sa inyo ni Dos at mas lalo kong aabalahin ang sarili ko ngayon na pamangkin ko ang anak mo. Bali- baliktarin man ang mundo ay may obligasyun ako sa inyo, Erika" sabi ni Tyler. Bagamat may himig tampo kay Erika ay nais pa rin ni Tyler na i-assure kay Erika na hindi niya pababayaan ang anak ni Theo. Hindi niya pababayaan ang mag ina. Bagamat nalilito pa siya kung ano ang magiging pasya sa huling habilin ng kapatid. Buo ang pasya niyang protektahan si Dos at si Erika. Masaya siyang umuwi mula sa hospital bagamat malaki ang ibinayad niya para mapadali ang blood test. Pero aabutin pa rin daw ito ng 24 hours. Di hamak na mas mabilis kumpara sa isang linggo sa normal na proseso ng DNA test. Pero ang ikinatuwa ni Tyler ay ang balita ng doctor sa kanya. "Good thing na napasyal ka ngayong Mr. De Dios, this may not be the good news na hinihintay nyo pero good news pa din ito." sabi ng doctor sa kanya kanina. Na excite si Tyler sa ibabalita ng doctor habang naka cross ang mga daliri at nananalangin na sana tungkol iyon kay Dos. "There seems to have a miracle today dahil muli ng tinatanggap ng katawan ng bata ang isinasaling dugo." balita ng doctor. "Ho!? paki ulit nga ho at paki paliwanag na din?" excited na sabi ni Tyler. "It means tinatanggap na ulit ng katawan ng bata ang normal na pagsasalin ng dugo. Kapag nagtuloy tuloy ito within 48 hours maaari ng ilabas ang bata sa ICU at maari ng muling bumalik sa dati na sa bahay na lamang tutukan at kapag inatake na lang ito" sabi ng doctor. "Oh, thank God! Salamat naman at maayos na ang lagay ng pamangkin ko." hindi sinasadyang masambit ni Tyler ang katagang iyon. "Wait, doc kung tinatanggap na ulit ng katawan ng bata ang pagsasalin ng dugo, ang ibig bang sabihin nun ay......." pigil hininga si Tyler sa magiging sagot ng doctor. "Yes, Tyler tama ka sa naiisp mo. Tulad ng nasabi ko sayo case to case scenario ang lahat at mahiwaga talaga ang katawan ng mga tao sabi ng doctor. Sa kaso ng bata na matapang at patuloy na lumalaban sa kakaibang sakit, maaaring malagpasan nito ang dapat na nakatakdang dalawa hanggang apat na buwang taning sa kanya." sabi pa ng doctor. "Oh my God..Thank you doc....Thank you! Oh my God, salamat po Diyos ko." halos maluha si Tyler sa narinig. Ngayon niya napagtanto kung bakit simula pa lang ay magaan na ang loob niya sa bata at may puwersang humahatak sa kanya para alalayan ang magina. Mayroon palang matinding koneksiyon na nag uugnay sa kanila ni Dos. Gusto sana ni Tyler na ibalita agad kay Erika ang magandang balita kaya lang ay narinig niya itong halos mangutang para lamang makaalis at sundan siya. Bigla siyang nakaramdam ng tampo kay Erika sa kabila ng lahat ng ginagawa niya. Iniisip tuloy ni Tyler kung may balak ba si Erika na ilayo sa kanya ang pamangkin niya ngayong nalaman i Erika na wala na si Theo. Yun ang tumanim na takot sa puso ni Tyler ngayon. Pero nang maisip-isip niya na may karapatan si Erika na malaman ang balita at si Erika pa rin ang legal guardian ni Dos, nag bago ng isip ang binata at plinanong mamaya na lamang sabihin kay Erika kapag nasa silid na ito. "Ipaghain mo na kami ng lunch, gutom na ako." utos ni Tyler sa maid. "Umupo ka na Erika. Ikain mo na lang yan. Magsa- shower lang ako saglit lang yun." bilin ni Tyler na siniguradong saglit lang siya. Natameme naman si Erika, ramdam niya ang hindi magandang timpla ni Tyler. Baka inisip ng lalaki na nagdududa siya dito. Nag isip si Erika kung paano babawi kay Tyler para mawala ng galit nito. Tumayo si Erika at tumulong sa maid na maghain ng pagkain. Siya na rin ang nagtimpla ng Juice at nagsalin sa baso ni Tyler. Saglit nga lamang si Tyler sa banyo para nga lamang itong nagbuhos lang marahil nga ay baka init na init lamang ito. Paglapit ni Tyler sa lamesa ay tumayo si Erika at pinag sandok ng pagkain ang lalaki at inasikaso habang tahimik na pasulyap sulyap. “Sit down, Erika, you’re not my maid. Baka magtampo sayo ang katulong ko dahil inaagawan mo ng trabaho” seryosong sabi in Tyler. bagamat pabiro iyon, ay napahiya pa rin si Erika. “Pasensya na, at pasensya na din ulit sa kanina.” sabi na lamang niya at umupo na nga dahil baka lalong uminit ang ulo nito. Kasalukuyan ng kumakain si Erika kasalo sa lamesa ang fresh na fresh at napakaguwapong si Tyler ng marinig nilang may nag doorbel. Kitang kita ni Erika ang biglang pagkataranta ni Tyler pero nakasimangot ang mukha nito. Nakita niyang lumabas ang maid at nagtungo sa pinto. Deadma naman si Tyler na para bang normal lang ang nangyayari. Siguro ay deliveries o kaya ay collector lang ang nag doorbell dahil pagbalik ng maid ay mag isa naman ito. Bumalik sa pagsubo ng pagkain si Erika kaya hindi nito napansin na may sumunod sa maid. "Wow, ang aga naman ata ng lunch mo Tyler?" Sabi ng matining at malanding boses sa likod nila. Naudlot ang muli sanang pagsubo ni Erika at napatingin ito kay Tyler na tila ba nagtatanong. Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki at saka tumingin din sa kanya na tila nag aalangan bago ito muling tumingin sa babaeng nagsalita. "Why don't you sit and eat with us, Maricar, total mukhang routine mo naman na ang magpunta dito." sabi ni Tyler. Noong mga nakaraan ay madalas pumasyal si Maricar sa bahay niya. Inunawa niya ito dahil marahil sa nangungulila at walang makausap. Ang daddy niya ay nasa ibang bansa, living comfortably with his new girlfriend, while his mom is busy with her own thing, na parang itinakwil ang dating buhay. Inunawa na lamang din niya ang Mommy niya dahil baka iyon ang paraan nito para magmove on sa pagiwan dito ng kanyang ama. Inunawa na lamang din ni Tyler ang Ama, kahit pa nga nakalimutan ng mga ito na may isa pa silang anak. Dahil sa paghihiwalay ng mga magulang, sa balikat niya ang lahat negosyung pinamana ng kanilang lolo at lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD