Sinamantala iyon ni Maricar at ito naman ang bumagon at si Erika naman ang napailalim. Pinaghahambalos si Erika sa ulo habang nakakubabaw sa kanya pagkatapos ay akma sanang tatadyakan ni Maricar pero humarang si Tyler at niyakap si Erika kaya si Tyler ang sumalo ng magkasunod na tadyak ni Maricar. “Stop…! I said Stop! Maricar, please stop!” sabi ni Tyler. "Umalis ka dyan Tyler. Ano ba?" sigaw ni Maricar. "No! Stop hurting her. Stop. I said Stop!" galit na sigaw ni Tyler. "Keep your promise Tyler, kung hindi ay hindi ko titigilan ang babaeng yan . Humanda kayo. Hindi ako papayag, Tyler. Isinusumpa ko." sabi ni Maricar. Pero walang naririnig si Tyler. Pagod na siya sa tantrums nito. Binuhat na lamang ni Tyler si Erika at mabilis na ipinasok sa kanyang silid. Inilapag ni Tyler si Erika s

