‘Hindi niya tinupad ang pangako niya.’ Tanging naibulong ni Amberleigh sa kaniyang isip. Nawala na sa kaniyang paningin si Levi. Umalis na nga ito. Wala siyang ideya kung saan ang punta nito. Napaupo na lang si Amberleigh sa napakalambot na couch na hindi ramdam ang lambot ng upuan kun’di ang tigas nito. Kasing tigas ng damdamin ni Levi. Natapos ang huling meeting ni Levi na siya ring pagtanggap niya ng balita mula sa kaniyang personal assistant na si Harry. Pinaalam ni Harry na hindi nagtagal sa pamamalagi si Juna sa mansyon nila sa probinsya dahil agad din itong umalis matapos sabay na lumipad pa-Korea si Patrick at pabalik naman ng London si Juna. Hindi nga maintindihan ni Amberleigh si Levi kung bakit nagdesisyon ito kaagad na bumalik na ng Pinas kahit kasasabi lang nito na hindi pa

