Unedited
Kinabukasan, binisita ni Sophia ang kaibigan sa bahay nito. Inabutan niya itong naghahanda ng mga gagamitin para sa exhibit sa susunod na araw. Nasa likod ng malaking bahay lang nina Cecilia ang mini art studio nito na pinasadya ng kanyang asawa.
"Mahal, nandito si Sophia." Ani Neil na sinamahan siyang puntahan ang kaibigan.
"Hi! Pasok ka! Pasensya na at magulo ang studio ko." Ani Cecilia nang nakangiting salubungin siya nito sa harapan ng pintuan. "Nicole, tita Sophia, is here!" tawag niya sa apat na taong gulang nilang anak ni Neil.
Paglabas ng bata sa kung saang sulok man ito nanggaling, may hawak itong paint brush. Ang kamay naman nito ay puno ng iba't ibang kulay. Nakuha niya ang pagiging art lover ng ina.
"Hello, tita Sophia! Welcome home!" malapad ang mga ngiti nitong nakataas ang dalawang kamay sa ere.
"Thank you, Nicole." Nakangiti niyang saad sa bibong bata.
"Go on, baby. Go to daddy, now. Mag-uusap lang kami ng tita So." Malambing na utos ni Cecilia sa anak na agad namang sumunod.
Nang silang dalawa na lang ang naiwan, umupo sila sa upuan kaharap ang mga sketch material sa ibabaw ng mesa ni Cecilia. Nilibot ng paningin ni Sophia ang kabuuang studio ng kaibigan. Katamtaman lang ang lawak noon. Kulay puti ang ding-ding. May mahabang mesa sa gitna at nasa magkabilang gilid naman nakalagay ang mga gawa ni Cecilia na nakapatong lang sa sahig na kahoy.
"Kumusta ang unang araw mo? Hindi ka ba inaantok? Dapat natutulog ka pa hanggang ngayon," ani Cecilia saka inabot sa kanya ang invitation card. Para iyon sa exhibit niya.
"Thank you." Saad niya saka binuksan ang card. "Number one talaga sa list?" bahagyang nakangiti na sambit niya nang mabasa ang pangalan ng dating nobyo. Dati na nga ba?
"Well, isa siya sa mga sponsor at siya ang may pinakamalaking share. Isa pa, para rin naman sa charity niya ang kikitain nitong first exhibit ko."
Excited si Cecilia sa darating niyang exhibit. Matagal na niyang pangarap iyon. At dahil para iyon sa home for the blind isinama na rin niya ang mga paintings na gawa ng kanyang mga estudyante
sa art. Maliban sa pagpipinta, nagtuturo din kasi ito sa isang private grade school ng art.
"Handa ka na ba sa pagkikita ninyo bukas? Confirm na, na dadalo siya," tanong ni Cecilia sa kanya bago ito tumayo at pumasok sa isang may katamtamang laki ng kusina sa kanan na katabi ng c.r.
Paglabas niya, nakatayo na sa harapan ng isang painting si Sophia. Lumapit siya rito sabay abot ng basong may lamang apple juice na paborito ng dalaga.

"Unang gawa ko 'yan sa tablet na regalo ni Neil, sa akin noong second monthsary namin," malapad ang mga ngiting saad ni Cecilia habang tinitingnan nilang dalawa ang tatlong roses na may nakasulat na Cee tapos may heart sa gitna kasunod ang Neil.
"Asus! Kinikilig naman daw siya. Hindi bagay," aniya saka mabilis na lumayo sa katabi.
"Bitter alert." Natatawang sagot naman ni Cecilia.
***
Tinatamad na nagmulat ng mga mata si Luis nang maramdaman niyang may mabigat na nakapatong sa puson niya. "Holy s**t!" mura niya at biglang napabangon saka kinuha ang golden Labrador ni Hector.
"Ang ingay mo! Natutulog pa kami, man." Protesta ni Luigi. Nasa paanan niya iyon katabi ng isa pa nilang kaibigan.
"Just sleep then." Saka niya ginulo ang buhok ng aso na dinidilaan na siya.
Hindi na siya nakauwi kagabi gaya ng inaasahan niya. Mula paman noon, kapag may okasyon at kompleto ang barkada, walang uwian na mangyayari. Tumayo siya at pumunta ng kusina. Nauuhaw kasi siya. Binuksan niya ang refrigerator saka kumuha ng mineral water. Naglalakad na siya pabalik sa sala. Malinis na rin ang buong bahay. Bilib din si Luis sa mag-asawang may edad na, na kasama ng kaibigan.
Nagawa nilang linisin ang bahay nang hindi man lang sila nagigising. O sadyang mga lasing lang talaga sila at wala ng pakialam sa nangyayari sa paligid.
Tahimik pa rin ang buong bahay. Patay pa rin lahat ng mga kaibigan niya maliban sa aso ni Hector. Nilapitan niya iyon na nakaupo malapit sa pintuan. Gusto yatang lumabas dahil umikot-ikot ito nang makitang papalapit siya rito.
"Ginulat mo ako huh. Gusto mo bang lumabas?" kumahol naman ang aso. "Siya, sige. Iwanan natin ang boss mo." Natatawang kinuha ni Luis ang tali ng aso na nakasabit sa likod ng pintuan saka tuluyan na silang lumabas. "Sorry man. Matutuwa ang baby ko nito." Bulong niya sa sarili saka sinulyapan ang naghihilik pang mga kaibigan.
Nakangiting bumaba ng kanyang sasakyan si Luis. Ini-imagine na niya ang magiging reaksyon ng kapatid sa dala-dala niya. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng malaking bahay. Cream white ang kulay ng mga ding-ding at kisami at chocolate brown naman ang mga pintuan. May mini bar din sa pagitan ng sala ang kusina. Naroon ang babay niya sa sala. Nakaupo habang nanonood ng TV.
"Oh! May aso kang dala kuya?!" excited niyang tanong nang maramdaman may humalik sa tuktok ng ulo niya mula sa likuran.
"Paano mo nalaman na may aso akong dala?" tanong niya saka umikot sa harapan at tinabihan ang kanyang baby.
"Kuya talaga. Kaming mga hindi nakakakita matalas talaga ang pang amoy namin." Malapad ang mga ngiti sa labing sagot nito.
"Hiniram ko kay kuya Hector, mo."
"Nag-aalala na 'yon ngayon sa aso niya." Sagot naman nito habang hinihimas ang ulo pababa sa katawan ng aso. "Bad talaga si kuya 'no? Kinuha ka niya nang hindi nagpapaalam."
Natawa na lang si Luis. Alam niyang hindi naniniwala ang kapatid na hiniram niya ito sa kaibigan. Dahil ni minsan hindi pa nawalay kay Hector ang tatlong taong gulang na aso. Sigurong nag-aalburuto na ngayon ang kaibigan niya.
"Kuya, sana makita ko na ulit kayo nina mommy at daddy. Namimiss ko na ang mga mukha ninyo. Ito kayang si doggy. Ano kayang itsura niya kuya?" tanong fifteen years old na dalaga saka sinulyapan ang direksyon ng kanyang kuya na nasa kaliwa niya.
"Konting tiis na lang Kaye, sisiguraduhin ni kuya na makakakita ka na ulit." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng kapatid bago hinalikan sa noo.
"Thank you, kuya."
Iniwan niya ang kapatid na nakikipaglaro pa rin sa aso. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at naligo. Eleven o'clock kasi dapat nasa clinic na siya. Araw-araw iyon. At araw-araw rin siyang hindi nauubusan ng pasyente.
Nakaharap siya sa malaking salamin doon sa closet niya habang inaayos ang kanyang necktie na navy blue. Patapos na siya sa pag-aayos nang biglang pumasok sa isip niya ang pagbabalik ni Sophia.
"Bakit ka pa bumalik ngayong okay na ako? Para ano? Para guluhin ulit ang nanahimik ko ng buhay?" Aniya sa sarili.
Bumababa na siya at naroon pa rin sa sala ang kapatid niya na pinapakain na ang aso ni Hector. "Sorry man."
***
Nang magising si Hector, tinawag niya ang alagang aso. Nakasanayan na kasi nito na sa tuwing gigising, naghihintay na rin ang aso sa kanya para lumabas. Ngunit ilang beses na niya itong tinawag ay hindi pa rin nagpapakita ang aso sa kanya. Bumangon siya sa sofa at pinagsisipa ang mga kaibigang natutulog pa rin sa sahig na marble at kulay puti.
"Gising! Uy! 'Yong aso ko nawawala!"
"Hanapin mo!" Sigaw naman ni Franco na kagagaling ng kusina at may dala-dalang kape.
Hinanap nga ni Hector. Pinuntahan niya kulungan nito ngunit wala na roon ang aso. Hindi naman kasi iyon naka-lock kaya anumang oras ay nakakalabas ang kanyang aso. "Nasaan na ba ang anak ko." Mahal na mahal niya ang asong iyon. Bigay kasi sa kanya ng yumaong lolo.
Lumabas si Hector ng bahay. Nakita niyang naglilinis ng sasakyan ang may edad ng lalaki. Nagmadali siyang lapitan ito.
"Manong? Nakita niyo po ba si Labrador, ko? Wala siya sa loob. Wala rin siya sa kulungan niya sa likod ng bahay." Nag-aalalang tanong niya. "Baby! Nasaan ka na? Gising na ako!"
Natatawa namang napakamot na lang sa ulo ang may edad niyang driver. "Dinala ni Luis, kanina. Hiramin daw muna niya dahil tulog ka pa raw."
"Ano po?! Dinala niya? Bakit niyo pinayagan? Gago talaga ang isang 'yon. Kapag may nangyaring masama sa aso ko, siya ang gagawin kong aso!" Aniya saka padabog na naglakad pabalik sa loob ng bahay.
Eksaktong alas onse, nasa harapan na si Luis ng kanyang clinic. Mula sa labas, nakita na niya ang mga nakaupong pasyente na matiyagang naghihintay sa kanya. Nakahanda na ang matamis niyang mga ngiti para sa mga ito. Pagbukas niya ng salamin na pintuan, nakatingin na lahat sa kanya.
"Hay salamat! Nandito na ang guwapong doctor namin." Halos magkasabay na sambit ng mga may edad na niyang pasyente.
"Kayo po talaga mga nanay at tatay. Pinapasaya niyo lagi ang umaga ko." Sagot niya habang naglalakad.
Isa-isa siyang nagmano sa mga nakahilerang pasyente. Akmang kukunin na sana niya ang kamay ng pangatlo mula sa pinakaunang pasyente nang mapansin niya ang kamay na iyon. Maputi at makinis. "What the hell?" mura niya nang maamoy ang pamilyar na pabangong gamit nito. Dumako ang paningin niya sa mukha ng nagmamay-ari ng kamay na iyon.
"L---Luis. K---kumusta ka na?" garalgal ang boses na saad nito.
Tumayo nang maayos si Luis. Nagtatagis ang mga bagang nito sa galit. Sa galit nga ba? Hindi niya inaasahan na mapapaaga ang pagkikita nila ng babae. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Ang t***k ng puso niya ay hindi na normal. Mabilis. Malakas. Sobrang bilis.at sobrang lakas. Halos mabibingi na siya sa sobrang lakas ng pagkabog ng kanyang dib-dib.
"May appointment ka ba? Dahil kung wala, bumalik ka na lang. Lahat ng mga nakapila rito ay may appointment. Nakakahiya naman sa kanila." Matalim ang mga titig na saad nito sa dating nobya.
Dati na nga ba? E, wala naman silang closure kaya girlfriend pa rin niya ito. Maliban na lang kung may asawa na si Sophia.
"Ganoon ba?" tumayo si Sophia. Bahagya namang lumayo si Luis. "Sige. Babalik na lang ako. Magpapa-appointment ako bu---"
"Hindi na kailangan. Wala akong panahon para sa 'yo. Puwede ka ng umalis. Nakakaistorbo ka lang." Saka tumalikod na ito at tuluyan ng pumasok.
Nagkatinginan lahat ng mga nakasaksi sa eksena nilang dalawa. Nanghihinang bumalik sa pag-upo si Sophia. Kanina pa gustong bumigay ang nga binti niya. Masakit marinig ang mga salitang iyon sa lalaking pinakamamahal niya. Ngunit pinili niya iyon kahit pa na binalaan na siya ni Cecilia na huwag na munang magpakita.
Nagpapahid siya ng mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Pumasok na rin ang unang pasyente sa loob.
Hindi ako susuko. Maghihintay ako, Luis. Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal kausapin mo lang ako. Hayaan mo lang akong magpaliwanag. Pagkausap niya sa sarili.
Sunod-sunod na pumasok ang mga pasyente hanggang sa dalawa na lang sila ang naiwan ng matandang lalaki. Nakatingin lang ito sa kanya. Magkaharap silang nakaupo.
Tumayo ang matanda saka tumabi ng upo sa kanya. Nginitian naman niya ito nang magtama ang paningin nila. Umupo sa tabi niya ang matanda. Noong una, tahimik lang ito. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita.
"Minsan, kapag ang puso na labis ng nasaktan at hindi pa rin naghihilom ang sugat na kahit may pagmamahal pa ring natitira roon para sa 'yo, nangingibabaw pa rin ang galit. Hayaan mo muna. Ang importante, bumalik ka. At dahil bumalik ka, muling aasa ang sugatan niyang puso na masasagot na rin sa wakas ang kanyang mga katanungan. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Maayos din ang lahat."
Ngumiti nang mapakla si Sophia. Sana nga. Sana maayos ko pa ang lahat. Hindi na ako umaasa na mahalin pa niya ako. Labis ko siyang nasaktan nang hindi sinasdya.
Pumasok na ang matanda sa loob. Mag-isa na lang siyang nakaupo sa labas ng clinic ni Luis. Ilang sandali pa ang lumipas, lumabas na rin ang matanda. Ngumiti ito sa kanya bago tuluyang nagpaalam.
"Ingat po kayo!" kumaway lang ang nakatalikod ng matanda.
Nanatili pa rin siyang nakaupo sa labas ng clinic. "Hapon na pala." Aniya matapos sulyapan ang cell phone na hawak-hawak niya.
Actually nag-aagaw dilim na sa labas. Six thirty na kasi ng hapon.
Nagbukas ang pintuan ng clinic ni Luis. Agad din namang tumayo si Sophia. Lumabas mula roon ang binata. Madilim pa rin ang anyo ng mukha nito. Ni hindi siya nagawang sulyapan ng lalaki.
"Luis! Mag-usap tayo please?" pigil niya rito nang lampasan siya nito.
Tumigil ito sa paglalakad niya at walang lingon na sinagot niya ang dalaga. "Akala ko ba handa kang maghintay?"
"Naghintay naman ako---"
"Damn it, Sophia!" putol nito sa dalaga saka humarap na nagtatagis ang bagang nito sa galit. "Naghintay? Ilang oras ka lang naghintay, Sophia. Ako? Taon ang hinintay ko. Taon!" mariin niyang sabi.
"Kaya nga nandito na ako. Handa na akong magpaliwanag---"
"Magpaliwanag?" putol ulit niya sa sasabihin pa sana ng dalaga. "Sige magpaliwanag ka! Ipaliwanag mo lahat! Lahat kung bakit bigla ka na lang nawala at ngayon bigla ka na lang lumutang!"
Mabuti na lang at wala ng tao ang mga katabing shop at clinic ni Luis. Kaya okay lang na magsigawan silang dalawa. Kung hindi kumain si Luis maghapon, malamang ganoon din ang sekretarya niya. Kawawang nilalang.
"Sige! Magpaliwanag ka na! Sampung minuto. Ipaliwanag mo lahat kung bakit nawala ka na lang na parang bula!"
"Puwede bang kumain muna tayo? Hindi ka ba nagugutom? Maghapon ka---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil iniwan na siya ni Luis. Bumumtong-hininga na lang ito habang pinagmamasdan ang nakatalikod na lalaki.
Itutuloy_____
dreamer28