Pilit ko talaga siyang iniiwasan sa eskwelahan. Hangga't maaari ay hindi kami magkikita sa school. At kung magkikita man kami ay sa loob lang ng klase. Ayaw ko kasing may makahalata na may relasyon kaming dalawa. I was supposed to ride a tricycle pauwi, pasakay na sana ako ng biglang huminto ang kotse niya sa tapat ko. Bumukas ang bintana sa tapat ng driver seat at nagsalita siya ng hindi tumitingin sa akin. "Get in, Arianna," utos niya kaya naman napatingin agad ako sa paligid. Nang walang nakatingin na estudyante ay agad akong umikot papunta sa front seat at mabilis na sumakay sa kotse niya. "Diba sabi ko sa'yo ay uuwi na lang akong mag-isa. No need na magsabay tayo pauwi. Baka kasi may makakita sa atin--" "So what? Ganyan ka ba katakot na makitang kasama ako?" Napakunot ang noo k

