Halos ilayo ko na ang phone sa tainga ko dahil masakit sa eardrum ang boses niya. Sa cellphone pa lang ay galit na galit na siya sa akin. Paano pa kaya sa personal? Parang ayaw ko ng tuloy makipag-meet sa mommy ni Levi. Parang hindi ko kakayanin ang presensya niya. Kinaumagahan, nagising akong wala na si Levi sa tabi ko. Masakit ang katawan ko ng bumangon ako, siguro ay dahil na naman ito sa ginawa namin kagabi. Inaantok pa ako ng ako'y bumangon. Sakto naman na may nag-doorbell sa pintuan. Isinuot ko muna ang bathrobe ko bago ako dumiretso sa pintuan para buksan ito. Pagbukas ko ay isang staff ulit ng hotel ang maririto na may tulak-tulak ulit na pagkain. "Uhm, hindi po ako um-order. Wala akong cash rito--" pagtatapat ko ngunit mabilis naman na ngumiti ang staff sa akin. "No need t

