Pagkahatid niya sa akin sa tapat ng bahay namin ay umalis din naman siya. Akala ko nga ay papasok pa sa loob pero hindi na pala. Kung sabagay, mas mabuti na rin ang ginawa niya dahil hindi pa ako handang magpaliwanag kay nanay kung bakit kasama ko siya. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay eksaktong naghahanda na si Nanay ng dinner namin. "Tamang-tama ang dating mo, anak. Nakaluto na ako," aniya. At ang huling inilagay niya sa lamesa ay ang adobong manok. "Hmm... ang bango naman po ng luto mo." "Syempre, para sa baby girl ko." Feeling kinikilig nung tawagin niya akong baby girl kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "I love you, nanay. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa buhay ko kung wala ka." "Naku naman... nagdrama ka pa. Sige na. Maupo ka

