Hinintay namin si nanay ngunit nagtaka kami ng gabi na ay wala pa rin siya. Ang naaalala ko ay nagpaalam siya sa amin umaga palang yun na bibili lang siya ng mineral water ngunit alas sais na ng gabi ay hindi pa rin siya bumabalik kaya naman labis na akong nag-aalala. "I'll go and check your mom if she's in your house. Just stay here and don't worry, I know she's okay. Hm?" Wika ni Sir Levi habang hinahaplos ang buhok sa aking likuran. Hindi ko rin talaga maitago ang pag-aalala ko dahil sa hindi pa pagbalik ni nanay. "Eh, kung sumama na lang kaya ako sa'yo ngayon?" "Nope. Stay here. Hindi ka pa masyadong magaling." "Pero kaya ko na. Malakas na ako--" "Still no. Ako na ang bahala, Arianna." Huling sinabi niya. Masuyo niya akong hinalikan sa noo ko bago tuluyang umalis na. Wala akon

