Hindi naman siguro sila iisang tao lang. Hindi naman siguro ako gagastusan ng professor ko nang ganung kalaking halaga. Masyado lang siguro akong paranoid ngayong araw. Ano bang special sa akin? Wala naman dahil isa lang akong estudyante na nagsasayaw sa club para mabuhay. Umuwi muna ako sa bahay namin para maligo muna. Nagbihis din ako at nag-ayos na rin para hindi naman ako mukhang ewan pagdating ko dun. Kumuha lang ulit ako ng ilang gamit para sa nanay ko. Bumili na lang din ako ng ulam para sa kanya dahil wala na akong oras para makapamili at makapagluto. Aligaga ako pero kailangan kong kayanin lahat. Isa pa, ito rin ang araw na mawawala na ang pinakamahalagang bagay sa akin pero ayos lang dahil para naman ito sa nanay ko. Mabubuhay naman ako na wala na ito. Hindi na lang siguro

