Tuluyan na akong bumangon at nagsuot na rin ako ng damit. Panay ang tingin ko sa telepono dahil naghihintay ako ng update kung sino ang tumawag sa kanya. Kung may nangyari ba sa isa sa family member niya o sa stepmother niya or dun sa kapatid niya. Kinuha ko na lang ang phone ko sa drawer. Kung hindi siya tatawag sa landline ay ako na lang mismo ang tatawag sa cellphone niya. Hinanap ko ang numero niya at phone list at idinial ito. Hindi rin kasi ako matatahimik at patuloy lang akong mag-iisip kung hindi ko aalamin kung ano ba ang nangyari at nagmamadali siya kanina. Nagriring na nga ang phone niya. Hinihintay kong sagutin niya ito ngunit walang sumagot hanggang natapos na lang ang unang tawag ko. Napatitig na lang ako sa cellphone ko at nakita ko ang wallpaper na picture naming tatl

