Chapter 26

1332 Words

"Nay?" Bigla ay tawag ko kay nanay habang nakatingin ako sa kawalan. Alam mo yung feeling na nakatingin ka sa isang bagay pero lampas doon ang tingin mo at sobrang lalim ng iniisip mo? Akong-ako yan ngayon. "Oh? Bakit anak? May masakit ba sa'yo?" Agarang tanong ni nanay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dahil hindi nagagawi sa kanya ang mga mata ko. "Wala naman po, nay. Pero alam mo po ba ang pakialam na ma-ignore?" Nakikipag-usap ako kay nanay kahit hindi naman ako nakatingin sa kanya. "Ma-ignore? Aba, oo naman. Masakit iyan, anak, dahil ganyan ang ginawa ng tatay mo sa akin noon. Bakit mo naitanong?" Lumapit sa akin si nanay at iniabot sa akin ang prutas na wala ng balat at hiwa-hiwa na rin. Hindi ko rin alam kung bakit ko naitanong pero tila ba mababaliw na ako sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD