Sa sinabing iyon ni Carla ay nakaramdam na agad ako ng kaba na para bang may nagawa na agad kaming mali ngunit hinarap siya ni Levi. Humarang siya sa likuran ko na parang itinatago ako. "Carla. As far as I know. We've been separated for a long time. We're not in a relationship anymore. If Arianna and I were in a relationship, you're out. So you can leave my house right now. Do you understand?" Nakasilip pa rin ako kaya nakikita ko pa rin ang masamang tingin sa akin ni Carla na para bang gusto na akong kainin. "Fine! But I'll make sure Tita Devora knows about it!" Galit na sabi pa niya at halatang paiyak na nung tumalikod sa amin. Tila ba noon lang ako nakahinga ng maayos. Pinagtitinginan kami ng mga katulong. Kahit na walang pakialam si Levi ay nahihiya pa rin ako. Parang ako tuloy

