Arianna's POV "Welcome to the Christian World! Baby Leviticus Sebastian!" "Hmm! Napakagwapo naman ng apo ko!" Wika pa ni nanay na gigil na gigil. "My baby brother, ate loves you so much!" Si Sab na humalik pa sa pisngi ng kapatid niya. Karga-karga ko ang aming bunsong anak habang si Levi ay nasa tabi ko. Binyag nya ngayon at kasama naming nagcecelebrate ang ilan sa mga mahahalagang tao sa amin. Nandito rin si Jarred at Ferianna with their twins na cute na cute. Mga barkada niya at ilang malapit na kaibigan ko dati nung nag-aaral pa ako. Tinupad ni Levi ang sinabi niyang dito na kami maninirahan sa Puerto. Simula ng makalabas ako ng hospital ay bumyahe na agad kami papunta rito. Ibinenta niya ang lahat ng ari-arian niya at assets sa Manila at dito na siya nagtayo ng panibagong nego

