Tumayo ako bilang paggalang sa kanya at nagsalita ako ng maayos.
"Naku, Sir. Mawalang galang na po. Pero hindi po ako ang nag-iingay." Tanggi ko sa paratang dahil hindi naman talaga ako yun.
Napansin kong napatitig sa akin si Prof. Levi. Ngunit agad din niyang binawi ang titig na iyon. Akala ko ay maniniwala na siya ngunit hindi pa rin pala.
"Come to my office after this class. As I said earlier. I don't tolerate bad behavior." Seryosong sabi niya kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Paktay ako nito..." sa isip-isip ko pa.
Tiningnan ko ang dalawa sa tabi ko. Nag-peace sign pa talaga sila sa akin pero hindi ko nagustuhan ang ginawa nila. Mamaya niyan ay maapektuhan ang grades ko. Yun ang hindi ko mapapayagan.
"Okay, class dismiss!" Aniya sabay kuha ng lahat ng gamit niya sa ibabaw ng table. Kinakabahan tuloy ako ngayon. Sa halip na matutulog ulit ako ay hindi ko na magagawa dahil kailangan ko pang pumunta sa opisina niya. What if malaman ito ng principal? Hays! Lagot na talaga.
"Kayong dalawa? Bakit ako ang sinasabi nyong nag-iingay? E diba kayong dalawa naman yun?" Kastigo ko sa kanilang dalawa.
"Ang kj mo kasi kanina eh. Sorry ka na lang friend. But I think, masungit si Prof. Gwapo. I wonder kung anong parusa ang gagawin niya sa'yo? May suspension?" Pananakot pa ni Fiona sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. Inayos ko ang laman ng bag ko at patakad akong tumayo. Bitbit ko na naman itong paper bag na naglalaman ng uniform ko dahil hindi ako dumaan ng locker kanina.
Hindi ako sigurado kung sa office siya ni Sir Alcala inilagay pero bilang kapalit nito ay dun ko na lang pinuntahan si Prof. Levi. Habang papalapit pa lang ako ay ang lakas na talaga ng kabog ng dibdib ko. First time ko kasi maipatawag ng isa guro dahil sa isang pagkakamali na hindi ko naman talaga ginawa.
Nakasarado ang pintuan kaya kumatok ako ng tatlong beses.
"Come in," rinig ko mula sa loob. Dahan-dahan ko pang binuksan ang pintuan habang kinakabahan.
"Goodmorning po, Sir." Bati ko. Alas onse pa lang kaya morning pa ang bati ko.
"Have a seat," aniya. Napalunok na tuloy ako dahil tila ba haharap na ako sa isang hukom habang nasa hot seat ako.
"Explain your self." Sabi pa niya. Ano pa bang kailangan kong i-explain? Sinabi ko naman na sa kanya kanina na hindi ako ang nag-ingay pero hindi siya naniwala tapos ngayon ay pagpapaliwanagin niya ako? He's unbelievable!
"Sir Levi. Nagsasabi po talaga ako ng totoo. Hindi po talaga ako ang nag-iingay dun kanina kundi yung dalawang nasa tabi ko." Pagsasabi ko ng totoo.
"What were they saying behind my back?" Seryosong tanong pa niya. Napalunok naman ako dahil sa naging tanong niya. Dapat ko pa bang sabihin ang kalandian ng dalawang yun? Pero ang tanong... may choice ba ako para magsinungaling?
"Eh, Sir. A-ano kasi..." napakagat na naman ako sa aking ibabang labi. Hays! Bakit ba ako pa ang kailangan niyang tanungin?
Magsasalita na sana ako pero pagtingin ko sa kanya ay nakatingin pala siya sa labi ko. Pero agad din niyang binawi. Kumuha siya ng ballpen at pinaikot-ikot yun sa daliri niya.
"What is it, Arianna?" May kasama ng pangalan ko ang tanong niya.
"Ang sabi po nila ay gwapo daw po kayo at ha-hunting-in ka daw po nila." Pagtatapat ko na. Hindi naman sa ipinagkakanulo ko ang kaklase ko pero parang ganun na nga dahil kailangan kong magsabi ng totoo.
"Eh, ikaw? Anong sabi mo?" Umupo siya ng maayos at isinandal ang likuran sa kanyang upuan. Ano nga bang sinabi ko dun? Wala naman diba? Dahil pinapatigil ko lang naman yung dalawa. Napakagat na naman tuloy ako sa aking labi dahil kinakabahan talaga ako sa harapan niya.
"Stop biting your lips in front of me, Arianna."
Nanlaki ang mga mata ko! "P-po? S-sorry po! Ganito lang po talaga ako kapag kinakabahan! Sorry po ulit, Sir!" Baka isipin niya kasi na inaakit ko siya pero hindi, ah!
"So, uulitin ko. Ikaw, anong sinabi mo matapos nilang sabihin ang bagay na yun?" He ask while staring at me. Ito talaga ang mas nakapagpakaba sa akin.
"W-wala po, Sir. S-sinaway ko lang po sila. P-pinapatigil ko po..." nauutal pang sabi ko habang nakatungo na ako. Hindi ko na kasi kaya pang makipagtitigan sa mga mata niya dahil para bang may kakaiba. Yung parang nanghihipnotismo siya? Is he part of a cult or what?
"Why do you have your head down if you are innocent? Heads up and look straight at me."
"O-okay po." Pagtingin ko pa lang sa kanya ay titig na titig na siya sa akin kaya naman nag-aalangang ngiti ang naibigay ko.
"Palalampasin ko ang ginawa niyong tatlo sa araw na ito. Pero kapag naulit pa, isususpende ko na kayo and that was my first warning, Arianna."
"Y-yes, Sir Levi."
Hindi ko siya ma-gets! Tatlo pala kaming may kasalanan pero bakit ako lang ang ipinatawag niya? Hindi ba dapat ay tatlo din kaming naririto? Ang unfair naman niya!
"Sige po, Sir. Mauna na po ako. Sorry po ulit." Kinuha ko na ang bag ko pati na rin ang paper bag ngunit aksidente itong nahulog sa sahig! Agad ko itong pinulot at nagmamadali na akong lumabas ng office niya. Sana lang ay hindi niya nakita itong uniform ko sa club! Hay naku! Kapag minalas ka nga naman ay talagang sunod-sunod na!
Naglalakad ako papunta sa canteen ng makasalubong ko ang dalawang nagsumbong sa akin kahit wala naman akong kasalanan.
"Yanna? Kamusta? Anong parusa ni Sir Levi sa'yo?" Excited pang tanong ni Fiona. Ito talagang si Fiona feeling maganda eh! Kamukha naman ni Shrek! Habang itong si Nina naman ay nag-sosorry sa kabilang gilid ko.
"Wala. Binigyan lang niya ako ng first warning. But next time daw na mahuli ulit niya tayo ay sususpendihin na daw tayo."
"What? Tayo? Hindi ba dapat ay ikaw lang?" Angal pa ni Fiona.
"Dahil alam niya na kayo ang nag-iingay!"
"Alam niya pero bakit ikaw lang ang ipinatawag niya? Bakit hindi kami kasama?"
"Ewan ko. Sige na. Dyan na muna kayo. Nagugutom na ako. I need to eat!" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at iniwan ko na silang dalawa dun. Kahit naman ako ay yun din ang tanong ko pero hindi ko rin alam ang sagot. Sana all na lang ay safe sa buska ng guro!
Umupo ako sa pinakadulong bahagi ng canteen. Inilabas ko ang sandwich at mineral water na ibinigay sa akin ni Ate Yuri. Ito na lang muna ang kakainin ko. Hindi rin kasi ako pwedeng kumain ng marami dahil fit na fit sa akin ang uniform ko sa club. Nakakahiya namang sumayaw ng sexy dance kung malaki itong tiyan ko.
Ini-open ko na ang sandwich at handa na sana akong kagatin ito. Nakanganga na ako ng bigla akong mapatingin sa pintuan ng canteen at nakita ko si Sir na papasok habang nasa akin agad ang tingin. Medyo nahiya ako. Kalahati pa naman sana agad ang kakagatin ko dahil gutom na gutom na ako pero dahil nakita ni Sir ay nag-iba na lang ako ng pwesto. Itinuloy ko ang pagkagat ko sa kalahati ng sandwich saka ko ininuman ng tubig para mabilis kong malunok. Pagkalunok ko ay kakagat pa sana ulit ako pero napahinto ako ng biglang may aninong tumapat sa unahan ko.
"Can I share a seat?" Tanong pa niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na dito pa siya uupo samantalang marami pa naman ang bakanteng lamesa.
"Ah! Opo, Sir! Maupo po kayo!" Tumayo pa ako pero pinigilan niya ako.
"Have a seat. I'm not eating you, okay? I am new here. I just want someone to share food with." Aniya. Nag-slow mo ang pagtingin ko sa kanya. Pati ba naman dito ay puro english pa rin siya?