FLESH: Chapter Four

1228 Words

“BRUHA ka! Kaya pala wala ka sa apartment pag-uwi ko, `yon pala ay nagtanan na kayo ni Russel! Para kayong teenager, ha. OA!” Ang natatawang sabi ni Gemma sa kanya. Kausap niya ito sa cellphone. Sakay sila ni Russel ng bus papunta sa probinsiya ng Quezon. Ayon kay Russel ay may kaibigan itong nasa Calauag, Quezon. May ibinebenta itong bahay at lupa at iyon ang bibilhin nila para doon na sila manirahan. Malayo iyon sa mga magulang ng kanyang nobyo kaya sigurado sila na hindi sila mahahanap ng mga ito. Napangiti si Vanessa sa sinabi ni Gemma. “Eh, madalian kasi lahat ng nangyari. Pero, sorry talaga, Gemma. Ngayong wala na ako diyan, baka mahirapan ka na sa pagbabayad ng bahay.” Kahit papaano naman ay nalulungkot din siya dahil nagkalayo na sila ng kanyang kaibigan. “Naku, `wag mo akong in

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD